Iloilo, Philippines – Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang 82.5 million pesos na allocation fund para sa produksyon ng bigas sa Iloilo.
Ito ay upang mas mapaunlad pa ang produksyon ng produkto sa nasabing probinsya.
Ayon kay DA Secretary Francisco Laurel Jr., patuloy ang kanilang pagkolekta ng pondo para matulungan ang mga magsasaka ng bigas sa pagtaas ng kanilang kita at mapalakas ang food security sa bansa.
Ang karagdagang pondo, ayon sa kanya, ay magbibigay-daan sa tanggapan ng Region 6 ng DA na mapalawak ang hybrid rice cultivation ng 16,500 hectares, na tumataas sa kabuuang tanim na palay sa mahigit na higit sa dating target na 30, 000 ektarya para sa tag-araw.
Ang Western Visayas (Region VI), na kinabibilangan ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental, ay mayroong 322,000 hectares ng palayan at nag-aambag ng labing apat na porsyento ng kabuuang produksyon ng palay sa bansa.
Samantala, sinabi ni Regional Executive Director Dennis Arpia na ang karagdagang pagtatanim ng hybrid na palay ay maaaring makapagpataas ng mga ani.
Gayunpaman, nagsimula na ang pagtatanim ng ilang lugar sa Kanlurang Visayas para sa tagtuyot, habang ang iba ay tinatapos pa ang mga ani na naantala ng El Niño phenomenon.