PAG-AMYENDA SA RICE TARIFFICATION LAW, LUSOT NA SA KAMARA

MANILA, PHILIPPINES – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong amiyendahan ang Rice Tariffication Law.

Sa botong 231 mula sa mga mambabatas, pasado na sa mababang kapulungan ang House Bill 10381.

Sa ilalim nito muling maibabalik sa National Food Authority (NFA) ang pag kontrol sa presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa sa pamamagitan ng rice buffer stocking at market intervention.

Bukod dito maaari na ring mag-angkat ang NFA ng mga bigas sa ibang bansa lalo na sa panahong kulang ang supply, ngunit dapat ay awtorisado ito ng Department of Agriculture (DA)

Ang ahensya rin ang siyang mamamahala sa pag-iinspeksyon ng mga bigas sa mga warehouse upang masiguro ang kalidad nito.

Sa panahon naman ng kalamidad maaaring magdeklara ang DA ng food security emergency.

Kasama naman sa pag-amyenda ang pagpapalawig din sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na magpapalawak naman sa benipisyo ng mga magsasaka.

Una ng ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad niyang i-certify as urgent ang naturang panukala sandaling umabot na ito sa kanyang opisina.

Matatandaang 2019 ng maisabatas ang RTLsa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

READ: PAGPAPALAWIG NG RCEF, SUPORTADO NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this