Manila, Philippines – Good news para sa mga motorista diyan!
Mas pinadali na ang pag-renew ng iyong driver’s license matapos ilunsad ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Online Driver’s License Renewal System gamit ang eGovPH ‘one-stop shop’ app, Hulyo 10, 2025.
Sa bagong sistema, maaaring ka na rin mag-renew ng lisensya kahit hindi na pumunta sa LTO office—kasama na rito ang medical examination, payment, at delivery ng lisensya.
“It is all end to end online. Pati ‘yung pagbayad online na so kumpleto na ‘yan. Hindi na mahihirapan ‘yung mga kababayan natin. ‘Yung medical exams online na rin. ‘Yung pagkuha mo ng lisensiya, may dalawa kang options. Puwedeng pickup sa nearest LTO pero puwede mo ring ipa-deliver sa bahay mo,” ani DOTr Secretary Vince Dizon.
Ayon pa sa transportation secretary, ito ay bahagi ng administrasyon na gawing mabilis at fixer-free ang serbisyo ng gobyerno bukod sa pagpapaigting ng digitalization sa bansa.
“The President has directed the DICT and DOTr to make the processes involving the frontlines agencies like LTO more accessible and easier for the general public,” saad ni Dizon.
Samantala, puwede mo ring gamitin ang eGOVPH-generated electronic o e-driver’s license sakaling hindi maipakita agad ang iyong physical driver’s license card.