PAGHABI NG PONDO PARA SA 2026: TITIYAKIN NA TRANSPARENT SA PUBLIKO ANG MGA DOKUMENTO

Manila, Philippines – Ngayong panahon na naman ng pagbalangkas ng pondo ng gobyerno para sa taong 2026, nagsisimula na rin ang committee on finance sa senado na ilatag ang magiging  proseso ng pagbusisi sa mga pondo. 

“Golden Age of Transparency and Accountability kung tawagin ni Senate Committee on Finance Chair Sherwin Gatchalian ang proseso ng paglalaan ng pondo para sa bawat ahensya. 

Pagbabahagi ni Senator Gatchalian, nais niyang maging bukas sa publiko ang lahat ng mga dokumento sa pagbuo ng pondo ng isang ahensya. 

Kung noon, dalawang dokumento lamang ang maaaring mabusisi ng taumbayan, partikular ang national Expenditure Program (NEP) at General Appropriations Act (GAA) sa website ng Department of Budget and Management (DBM).

Hihilingin ng mambabatas na mailathala rin sa bawat website ng tanggapan, kasama na ang kamara at senado — ang anim na dokumentong hindi nakikita o nabubusisi manlang ng publiko. 

Kasama na rito ang unang hakbang na Budget Request form 201 mula sa ahensya, General Appropriations Bill ng Kamara, Senate report, Senate 3rd reading version, Bicameral Conference Committee, at Reconciled Version. 

Noong 2024, malaking usapin ang umano’y blankong bahagi sa bicameral report na isinumite sa Pangulo. 

Kung saan issue ang mga insertion sa naturang bahagi. 

Giit ni Gatchalian, dahil prosesong inihahain niya sa kongreso, makikita na ang paggalaw ng pondo ng bawat ahensya. 

Partikular kung paano  tumaas at bumaba ang pondo na inilaan sa ahensya. 

Aniya, umaasa rin siya na tatalima ang kamara sa nauna nitong pahayag na maximum transparency ang ipatutupad sa panahon ng budget deliberation.

PONDO NG GOBYERNO SA 2026, MAS MALAKING BUDGET ANG ILALAAN SA EDUCATION SECTOR

Kaugnay pa rin sa magiging pondo para sa susunod na taon, tatawaging “education budget” dahil sa mas malaking porsyento nito sa kabuuang pondo ng gobyerno. 

Sisikapin aniya na maabot masakop ng education sector ang 4% sa gross domestic product (GDP). 

Sa ngayon, tinatayang nasa 3.8% lamang ang sakop nito sa GDP. 

Ngunit hindi raw aniya ito nangangahulugan na hindi na tutukan sa deliberasyon ang iba pang pangunahing ahensya ng gobyerno. 

Mula noong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, inaasahan nilang sa susunod na linggo ay makapagbibigay na ang DBM ng budget para sa bawat ahensya.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this