PAGKAKASO SA MGA INDIBIDWAL NA SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL, NAIS PABILISIN NG SANDIGANBAYAN SA PAMAMAGITAN NG BAGONG KAUTUSAN

Manila, Philippines – Plano ng sandiganbayan na pabilisin ang proseso ng pagkakaso sa mga opisyal na nasasangkot sa maanomalyang flood control project sa pamamagitan ng pagpapatupad ng bagong kautusan. 

Ayon kay Sandiganbayan Presiding Judge Geraldin Econg, tinatrabaho na nila ang bagong kautusan na makapagpapabilis sa proseso. 

Dadaan ito sa pilot testing sa oras na aprubahan ng korte suprema. 

Giit ni Econg, ang paggawa ng bagong kautusan ay bilang paghahanda sa isasampang kaso ng ombudsman laban sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian sa flood control projects.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsusumite na sa sandiganbayan ng mga kaso sa susunod na buwan. 

Noong September 15, natanggap na ng Office of the Ombudsman ang reklamo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) laban kina DPWH Bulacan 1st District Rep. Engineer Henry Alcantara, former Assistant District Engineer Engr. Brice Ericson Hernandez, Construction Section Chief John Michael Ramos, Planning and Design Section Chief Ernesto Galang at sa labing lima pang individual. 

Nakasuhan na rin ang mga government contractors na sina Cezarah Sarah Discaya ng St. Timothy Construction Corporation, Ma. Angeline Rimando ng St. Timothy Construction Corp., Sally Santos ng SYMS Construction Trading, Mark Allan Arevalo, Wawao Builders, Robert Imperio ng IM Construction Corp.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this