PAGLABAN SA KORAPSYON, PAGTULONG SA MGA NASALANTA, PANGUNAHING DAHILAN NG PAGTITIWALA NG PILIPINO KAY PBBM –PULSE ASIA

Manila, Philippines – Batay sa bagong survey ng Pulse asia, lumabas ang mga dahilan ng mga Pilipino para patuloy nilang pagkatiwalaan ang Pangulo.

Pangunahing dahilan ng pagtitiwala ng publiko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang paglaban nito sa korapsyon na may 28.6%.

Sumunod ang pagpapaabot nito ng tulong sa mga nasalanta ng mga kalamidad na may 12.4% at pangatlong dahilan ay naaayos daw ng administrasyon ang buhay ng mga Pilipino dahil sa mga programa ng gobyerno.

Ngunit dahilan naman ng kawalan ng pagtitiwala ng publiko kay pangulong marcos ang hindi nito pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon na may 16.7% at hindi nito pagtupad sa mga ipinangako nito na may 15.3% na boto mula sa pananaw ng publiko.

Patuloy na pagtaas ng bilihin naman ang unang dahilan ng pagdadalawang isip ng publiko na pagkatiwalaan si Pangulong Marcos at ikalawa ang hindi pagpapakulong sa mga sangkot sa flood control projects corruption.

Samantala, kakayahang mamuno at makamahirap, iyan ang unang dahilan ng publiko kung bakit sila nagtitiwala kay Vice president Sara Duterte na may 12.8% at 12.7%.

Subalit, mayorya naman ng Pilipino ang hindi nagtitiwala kay Vice President Sara Duterte, dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon na may 51.5%.

Sumunod ang pagbabanta nitong patayin ang pangulo, pagiging palamura, at paninira ang ikalawang dahilan ng hindi pagtitiwala ng publiko na may 21.4%.

Mayorya din ng mga Pilipino ang hindi makapagdesisyon kung nararapat bang pagkatiwalaan ang bise dahil sa hindi nito pagsagot sa isyu ng confidential fund ng OVP at Deped.

Isinagawa ng survey sa pagitan ng February 27 hanggang March 2, kung saan 1,200 na Pilipino ang sumailalim sa face-to-face interview.

Ilan sa mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa loob ng unang quarter ng taon ang pagbasura ng House of Representative sa dalawang impeachment complaint laban Marcos dahil sa insufficiency in form.

Habang dalawang reklamong impeachment laban kay Duterte ay idineklara ng House committee on Justice bilang sufficient in form, substance, at grounds.

Share this