PAGPAPALAWIG NG RCEF, SUPORTADO NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

MANILA, PHILIPPINES – Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) na ma-extend pa ng karagdagang anim (6) na taon ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) upang lalo pang makatulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga magsasaka sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Laurel Tiu Jr. dapat na maaprubahan ang pagpapalawig pa sa RCEF hanggang 2030.

Ginagamit aniya kase ito ng gobyerno ng Pilipinas upang pondohan ang mahahalagang proyekto sa sektor ng Agrikultura upang mapabuti ang industriya ng mga palay sa bansa.

Sinabi ni Tiu na ang RCEF ay bahagi ng kanilang “dynamic economic strategy” na nagbibigay daan sa gobyerno na gamitin ang taripa mula sa inaangkat na bigas ng Pilipinas upang mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka.

The Rice Fund has provided a substantial revenue stream for the government to finance essential development projects aimed at improving the competitiveness of the rice sector in the Philippines,” ani ng kalihim sa isang press release.

Bawat taon, may nakalaang pondo sa RCEF na nagkakahalaga ng P10 billion na ginagamit din sa pamamahagi ng mga makinarya sa pagsasaka, mga binhi, at tulogn pinansyal sa mga magsasaka.

Binigyang diin din ni Secretary Tiu na sa nakalipas na limang taon mula pa noong 2019 ng maisabatas ang RTL, milyong milyong magsasaka ang nakinabang sa Rice Fund ng pamahalaan.

“Specifically, our data shows that from 2019 to 2023, palay production across the 57 RCEF provinces increased by approximately 7 percent,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagpapalawig pa ng RCEF nais din ng Kagawaran na ma-amyendahan ang RTL na magpapahintulot sa National Food Authority (NFA) makontrol ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa mas mababang halaga.

Samantala, sa susunod na taon inaasahang mag-eexpire na ang RCEF o kilala rin bilang rice fund.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this