PAGSUGPO SA ILLEGAL ADOPTION TINUGUNAN NG NACC AT 21 VISAYAS LGUS

CEBU, Philippines — Nakipag-ugnayan ang National Authority for Child Care (NACC) sa 21 local government units (LGUs) sa Visayas, kontra sa iligal na pag-aampon.

Ang isinagawang hakbang ay naitatag sa 1st National Congress on Adoption and Child Care kahapon, sa tulong ni NACC Executive Director at Undersecretary Janella Estrada upang mabigyang diin at maaksyunan ang mga isyu ng emergency placement, iligal na pag-aampon, at child trafficking na naging dahilan para matatag ang kasunduan sa loob at labas ng rehiyon.

Nakabalangkas sa Memorandum of Agreement (MOA) na minimithi ni Estrada na magkaroon ng hindi bababa sa 20 foster parents bawat LGU sa pamamatnugot ng Philippine Foster Care Program.

Sa Visayas region, walong LGUs na ang pumirma sa MOA, habang walong LGU pa ang pipirma ngayong araw.

Samantala, 23 Facebook page na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng bata ang nadiskubre,ang ilan ay na-deactivate, habang ang iba ay patuloy pang inilalapag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ani ni Estrada na malaki ang ambag ng kahirapan sa talamak na isyung ito.

Kinumbinsi niya rin ang mga Pilipino na suportahan ang legal na pag-aampon tulad ng pag-aampon ng foster care, dahil mas malaki ang magiging epekto ng programa kung sama-sama itong isusulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this