Manila, Philippines – Boluntrayo pa rin daw ang pagsusuot ng facemask lalo na sa mga pampublikong lugar, yan ay sa kabila ng dumaraming bilang ng mga nagkakasakit na karaniwang sinisipon, inuubo at tinatrangkaso.
Sa isang panayam, sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na hindi na kinakailangan pang gawing mandatoryo ito at dapat na magkusa na lamang lalo na sa mga mas bata ang edad na may kasamang nakatatanda sa bahay.
Inalis din ng DOH ang pangamba ng publiko hinggil sa Super Flu na laganap ngayon sa ibang bansa.
Ang mga pagkakaroon ng ubo, sipon at trangkaso ay hindi agad nangangahulugang may Super Flu, sumasabay lamang daw ito sa nararanasang malamig na pananoh ngayong enero kaya’t normal ang pagkakasakit.
Posible raw na ang pagkakaroon ng sipon ay allergy na makukupirma kung makati ang mata o ibang bahagi ng katawan.
Ang Super Flu raw ay isang uri ng Influenza A o trangkaso na hindi na bago sa Pilipinas, nagmumukha lamang daw itong kakaiba dahil sa pangalan na kada taon ay nag-iiba ang anyo.
Parehas lamang din daw ito sa Sub clade A.
Nilinaw rin ni Asec Domingo na hindi nakamamatay ang pagkakaroon ng trangkaso na may kasamang ubo, sipon at pananakit ng katawan.
Mula naman sa una nang datos na inilabas ng DOH ng mga naitalang nagkaroon ng Super Flu noong nakaraang taon na lahat ay gumaling na rin.
Kinumpirma ni Domingo na ang kabuuang bilang ng kaso są bansa mula August hanggang December 2025 ay 63 Super Flu cases.
Samantala, wala daw dapat ipangamba ang publiko sa Influenza A, Rhinovirus, Entherovirus, Influenza B at Humanparainfluenza virus na kontrolado ng DOH.