PAGTAOB NG MV HONG HAI 16: 9 PATAY, 2 PINAGHAHANAP PA

Rizal, Occidental Mindoro — Halos isang linggo matapos ang naging pagtaob ng MV Hong Hai 16, isang Chinese Sand Carrier vessel sa Occidental Mindoro noong Holy Tuesday, 9 na ang kumpirmadong nasawi mula sa trahedya, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Batay sa report ng PCG nitong Linggo, dalawang labi pa ang narecover sa dalawang magkahiwalay na diving operations.

During the first dive at 9:17AM said divers recovered a body at Cargo Hold No. 1 and on the second dive at 3:10PM another body was recovered at the Cargo Hold Monitoring Control Room,” ayon sa PCG.

Matapos ang naging recovery operations, umakyat na sa 9 ang kumpirmadong nasawi mula sa 25 crew members ng naturang sand carrier vessel, habang dalawa pa ang patuloy pang pinaghahanap.

Matatandaan na sa ulat nitong Martes, lulan ng tumaob na vessel ang 13 Pilipino at 12 Chinese na crew members—14 ang nailigtas, 1 ang natagpuang wala nang buhay, at 10 ang inisyal na nawawala.

Sa kabila ng nating recovery, nakabinbin pa rin ang Identification process sa mga ito, habang papangalanan lamang ang nga ito sa panahong maipaalam na ang resulta ng Identification sa pamilya ng mga biktimang nasawi sa trahedya.

Identification of the recovered individuals remains pending. The names of the deceased will be released upon notification of their next of kin,” dagdag ng PCG.

Habang nagpapatuloy naman ang search operations, patuloy din ang PCG at ilang kaugnay na ahensya sa pagsisiguro ng environmental safety sa mga katubigan kung saan tumaob ang sand carrier vessel.

Said operation aims to assess potential environmental impacts of the incident. Initial surface monitoring operations conducted by the PCG also reported no visible signs of an oil spill in the vicinity of the capsized vessel,” saad ng PCG.

Share this