PALASYO, NANAWAGAN NG SIMPLE AT MAPAYAPANG PAGDIRIWANG NG PASKO AT BAGONG TAON

Manila, Philippines – Nananawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na gawing simple lamang ang pagdiriwang ng darating na Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa Pangulo, ito ay bilang pakikiisa ng administrasyon sa mga mamamayang patuloy na nakararanas ng matitinding pagsubok matapos ang sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa, kabilang na ang mga malalakas na lindol at bagyong nakaapekto sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Dagdag pa ng Pangulo, ang simpleng pagdiriwang ay paraan upang maipakita ang malasakit at pagkakaisa sa mga apektadong kababayan.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng Palasyo ang lahat ng kawani ng gobyerno na makiisa sa panawagan ito at gawing payak ang mga aktibidad ngayong papalapit na kapaskuhan at pagsapit ng bagong taon.

Share this