PAMAHALAAN, NAGHAHANDA NA PARA SA LA NIÑA – PBBM

MANILA, PHILIPPINES – Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na patuloy na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa paghahanda sa pagtatapos ng El Niño at pagpasok naman ng La Niña.

Sa naging talumpati ng Pangulo ng bumisita ito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang mamigay ng Presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda na lubos na naapektuhan ng El Niño.

Ipinabatid nitong nagbigay na sya ng direktiba sa iba’t ibang sangay ng pamahaalaan upang gawin ang whole-of-government approach bilang paghandaan sa La Niña.

Ayon kay Pangulong Marcos ang maagap na paghahanda ay makakatulong sa mga lokal na pamahalaan na maiwasan ang matinding pagbaha sakani-kanilang lugar na taon taon na raw pinoproblema ng bawat LGUs.

“Inaatasan ko ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan lalong lalo na sa mga LGU bilang paghanda para sa darating naman na La Niña, eto ay upang maibsan ang epekto ng matinding pagbaha.” Saad ni Pangulong Marcos.

Video Courtesy: RTVM

Bukod dito inatasan na rin daw ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa ilang Flood Risk Management Project at pagbuo ng long-term flood control projects.

Samantala kamakailan, sinabi naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpupulong ang kanilang ahensya kasama ang mga LGU’s sa Metro Manila upang pag usapan ang mga hakbang na gagawin ng mga ito.

Gaya na lang ng pagsasaayos sa mga drainage system na madalas mabarhan ng mga basura na isa sa mga sanhi ng pagbaha.

READ: PBBM NANAWAGAN SA MGA LGU’S NA MAGHANDA NA SA PAPARATING NA LA NIÑA SA BANSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this