PAMAHALAANG LUNGSOD NG BALIWAG, IGINIIT NA HINDI DUMAAN SA MUNISIPALIDAD PROYEKTONG ‘GHOST PROJECT’

Matapos walang madatnan concrete riverwall si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Barangay Piel, Baliwag, Bulacan. 

Kung saan base sa report, kumpleto ang bayad at isang daang porsyento ng tapos ang flood control project noong June 2025. 

Iginiit naman ng Pamahalaang Panlungsod ng Baliwag na hindi dumaan sa munisipalidad ang itinuturing na ghost project.

Batay pa sa pahayag ng Baliwag, ang naturang proyekto ay proyekto mismo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan ang ahensya mismo ang nagpatupad at nagbayad ng proyekto, base na rin aniya sa inilabas na resibo ng Malacañang kahapon. 

Dagdag pa sa pahayag na walang kaukulang dokumento na isinumite sa City Engineering Office, o anumang koordinasyon ang isinangguni sa lokal na pamahalaan para sa pagtatayo ng concrete riverwall. 

Aniya, mariin din na kinokondena ng lokal na pamahalaan ang panlolokong proyekto, lalo’t pang-aabuso ito sa bayan.  

Ngunit, batay sa isang dokumento na inilalabas ng Municipal Treasury para sa mga contractors. 

Mayroong listahan ang lokal pamahalaan ng mga infrastructure contract ng mga contractor na nagkaroon ng proyekto sa loob ng lungsod. 

Ang ipinapadalang sulat na ito sa mga contractor ay bilang pagsunod sa Municipal Tax Ordinance no. 16 series of 2017 at sa probisyong nakasaad sa Local Government Code of 1991 ng Baliwag. 

Nakasaad dito ang pangalan ng contractor, pangalan ng binubuo ng imprastraktura, at maging ang kabuuang halaga nito. 

Ibinibigay nila ang mga ganitong kasulatan sa lahat ng public at private contractor bilang paalala sa pagbabayad ng buwis sa mga infrastructure project. 

Ibig sabihin, ang SYMS Construction Trading na siyang contractor ng Concrete Riverwall—na itinuturing na ‘ghost project’ ay hindi imposibleng nakatanggap din ng kasulatan mula sa Municipal treasury ng Baliwag. Samantala, pahayag ng lokal na pamahalaan ng Baliwag, paiigtingin pa ng Baliwag ang kanilang pakikipagtulungan sa national government  sa anumang proyekto na gagawin sa lungsod.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this