PAMILYANG BIKTIMA NG EL NIÑO SA BICOL, BINIGYANG TULONG

Legazpi, City- Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa halos Php20 Milllion na halaga ng tulong para sa mga pamilyang apektado ng El Niño sa tatlong probinsya ng Bicol sa nakaraang dalawang linggo.

READ: LIBRENG BINHI NG PALAY, IBINAHAGI SA MAGSASAKA SA LEGAZPI

Sa isang interview, sinabi ni DSWD-Bicol Disaster Response and Management Division Chief  Claudio Villareal Jr., na patuloy ang kanilang paghahatid ng suporta sa mga naapektuhang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng mga family food packs (FFPs).

Watch this news on our YouTube Channel

Saad ni Villareal 28, 851 na FFPS ang naibahagi simula April 20 sa Albay, Camarines Sur, at Masbate habang ang sa Sorsogon naman ay kukunin ito sa mga warehouse.

Ang isang FFPS ay naglalaman ng bigas, corned beef, sardinas, kape, cereal drinks na sapat para isang pamilya na may limang miyembro para 2 araw.

Ayon sa report mula sa Department of Agriculture-Bicol, nasa kabuuan na ng 11,252ng ektarya ng palayan, maisan at taniman ng may mga high value crops ang naapketuhan na aabot na sa kabuuan ng 532.8 million pesos ang nawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this