Marikina City, Philippines – Hinalay umano ng isang lalaking masahista ang isang dalawampu’t siyam na taong gulang na babaeng guro kasama ang kaniyang nobya nang sila ay bumisita sa isang massage clinic sa Makati City noong September 14, 2025.
Ayon sa kwento ng isang biktima sa management ng massage clinic, hinawakan daw ng suspek ang sensitibong parte ng kanyang katawan, at saka ginawa ang kahalayan.
Agad-agad namang pinatalsik ang masahistang suspek matapos marinig ang sumbong ng biktima.
Idinulog din nila ang pangyayari sa 911, na nagresulta sa agarang aksyon ng Marikina Police Station.
Pinangalan ang suspek na 46-taong gulang na si “Rolly,” residente ng Rodriguez, Rizal.
Pagkatapos maaresto ito, binasahan siya ng kanyang mga karapatan at sumailalim rin sa medical processing.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ng Marikina habang naghihintay sa inquest proceeding na isinampa noong September 15, 2025.
Matapos ang insidente, binigyang-diin ni PBGEN Aden T. Lagradante DD, EPD ang kahalagahan ng tiwala ng bayan.
“There is no place for predatory behavior in any professional setting. We will act decisively to ensure victims receive the protection and justice they deserve. Let this be a message to all,
we remain vigilant and committed to upholding the dignity and rights of every citizen.” – Cloe Dela Cruz & Cloide Alvarez, Contributors