Manila, Philippines – Mula sa apat na semestre, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng trimestral school academic year para sa 2026- 2027.
Pagkaraan ng ikawalong pagpupulong economic development council sa pamumuno ni Pangulong Marcos, naglabas ng pahayag ang Department of Economy, Planning, and Development ng pahayag kaugnay rito.
Batay sa DepDev, inaprubahan ng pangulo ang suhestyon ng Department of Education bilang kritikal na hakbangin sa pagpapabuti ng edukasyon sa Pilipinas.
Layon ng pagsusulong ng trimestral na palawigin ang oras ng pag-aaral na kadalasang naantala dulot ng masamang panahon, mga okasyon, at mga pagdiriwang.
Batay sa pag-aaral ng Deped, makikinabang ang mga Pilipinong mag-aaral sa mas mahaba, at tuloy-tuloy na oras pagtuturo ng mga guro.
Mabibigyan din nito ang kaguruan para sa professional development opportunities lalo na magpapatupad ng catch-up initiatives.
Sa bagong school calendar, magsisimula ang first term mula hunyo hanggang Setyembre.
Ang second term ay magsisimula mula buwan ng setyembre hanggang Disyembre, at mula Enero hanggang Marco ang huling school term.
Bawat school term ay mayroong 54 hanggang 61 na araw na pagtuturo, kabilang na rito ang pagsasagawa ng mga non-academic activities.—Mia Layaguin, Eurotv News