Manila, Philippines – Kasunod ng 7.4 magnitude na lindol sa katubigang sakop ng Davao Oriental.
Agad na inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mga pambansang ahensya na ilikas na ang mga residenteng naninirahan sa tabi ng dagat dahil sa banta ng tsunami.
Partikular ang mga probinsya sa Mindanao at Visayas, katulad ng Davao Oriental, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Southern Leyte, at Eastern Samar.
Inutusan ni pangulong Marcos ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Office of Civil Defense (OCD), Armed Forces of the Philippines (AFP), ang Philippine Coast Guard (PCG), at lahat ng concerned agencies na pangunahan ang force evacuation ng mga residente.
Pinatitiyak na rin ng pangulo na bukas ang lahat ng emergency communication lines, dahil nakararanas na ang lagay ng power outage at kawalan ng internet connection
Inutusan na rin ni pangulong Marcos na makipag-ugnayan na sa mga lokal na pamahalaan para matukoy ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol.
Sa pahayag ni pangulong Marcos, pinapayuhan niya ang taumbayan na manatiling kalmado at alerto sa mga oras na ito at magtungo na sa mataas na lugar bilang katiyakan sa kanilang kaligtasan mula sa banta ng tsunami sa Davao Oriental.
Kasunod ng direktiba ni Pangulong Marcos, agad nagsagawa na evacuation operation, pagsusuri ng mga imprastraktura at pagtulong sa mga biktima na nakaranas ng aftershocks at takot dulot ng lindol.
Kasalukuyang nagpupulong ang National Inter-Agency Coordinating Cell ng NDRRMC kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental.
Patuloy ang koordinasyon ng Office of Civil Defense at mga miyembro ng NDRRMC sa regional offices kaugnay ng sitwasyon at response operations.
Ayon naunang report ng Phivolcs, naitala ang 7.4 magnitude na lindol sa karagatan ng Davao Oriental kaninang 9:43 ng umaga.
Agad na initaas ang tsunami alert pagkatapos ng lindol.
Ngunit inalis na rin kaninang 1:43 pm ang tsunami alert ng PHIVOLCS.—Krizza Lopez, Eurotv News