PANGULONG MARCOS: MAY MAKUKULONG SA FLOOD CONTROL ANOMALYA BAGO MAG-PASKO

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may makukulong sa mga indibidwal na sangkot sa umano’y anomalya sa mga proyekto ng flood control bago sumapit ang araw ng Pasko.

Sa isang press conference, iginiit ng Pangulo na hindi magiging “Merry Christmas” para sa mga dawit sa katiwalian ito, kasabay ng pangakong papanagutin sila sa pagkamal ng pera ng bayan.

Ayon kay Marcos, sisikapin ng pamahalaan na mabawi ang mga pondong nakulimbat sa pamamagitan ng mga ghost projects at iba pang kwestiyonableng flood control programs.

Dagdag pa ng Pangulo, tapos na umano ang “maliligayang araw” ng mga sangkot, at hahabulin sila ng batas upang mapanagot sa kanilang mga ginawa.

Binigyang-diin din ni Marcos na titiyakin ng gobyerno na matibay ang mga kasong isasampa laban sa mga sangkot upang hindi ito maibasura dahil lamang sa mga legal technicality.

Sa huli, nanawagan ang Pangulo sa mga ahensyang sangkot sa imbestigasyon na magtulungan upang mapabilis ang paghahatid ng hustisya at maibalik sa taumbayan ang perang ninakaw sa kanila.

Share this