PANGULONG MARCOS NAGBIGAY NG P50-M DONASYON SA MGA NAAPEKTUHAN NG LINDOL SA CEBU

Cebu, Philippines – Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maglalaan ang Office of the President (OP) ng ₱50 milyon bilang ayuda para sa lalawigan ng Cebu matapos ang pagtama ng 6.9 magnitude na lindol.

Ayon kay Pangulong Marcos, tatanggap din ng ₱20 milyon ang lungsod ng Bogo at mga bayan ng San Remigio at Sogod bilang bahagi ng agarang tulong.

Bukod pa rito, makakatanggap ng ₱10 milyon bawat isa ang mga bayan ng Bantayan, Daanbantayan, Madridejos, Medellin, Santa Fe, Tabogon, at Tabuelan.

Maglalaan din ng ₱20 milyon para sa mga ospital na pinapatakbo ng Department of Health (DOH) at karagdagang ₱5 milyon para sa bawat provincial hospital sa lalawigan.

Inutusan din ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na agad na i-release ang ₱150 milyon mula sa Local Government Support Fund (LGSF) para sa probinsya ng Cebu, at karagdagang ₱75 milyon para sa mga lokal na pamahalaan ng San Remigio, Bogo, at Medellin.

Layunin ng mga pondong ito na mapabilis ang rehabilitasyon ng mga apektadong lugar at matulungan ang mga mamamayang labis na naapektuhan ng lindol.

Inuutos din ng pangulo na magtayo ng ng isang tent city para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa  magnitude 6.9 Cebu earthquake. 

Bukod dito, tiniyak din ng pangulo ang pagbibigay ng P10,000 na tulong pinansyal sa mga nasira ang bahay dahil sa lindol.

Inanusyo rin ni Marcos na nainspeksyon na ng DPWH ang naturang hospital kung saan maaaring ng makabalik ang mga pasyente sa pasilidad.

Share this