PANGULONG MARCOS, TINIYAK NA MAY SAPAT NA SUPPLY NG PETROLYO SA GITNA NG ALITAN SA IBANG REHIYON 

Manila, Philippines – Sa gitna ng palitan ng mga pag-atake ng United States at Israel, laban sa Iran kung saan inaasahan na lubos na maaapektuhan ng presyo ng langis.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat pang supply ng langis sa Pilipinas habang may sigalot. 

Ngayong araw nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga kalihim ng mga ahensyang tungkuling na tiyakin ang kaligtasan ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa mga bansang may malaking banta sa kaligtasan. 

Ayon kay Pangulong Marcos, nagkaroon na ng epekto sa ekonomiya ang sigalot sa pagitan ng tatlong bansa, particular na sa presyo ng langis. 

Sa ika-apat na araw ng alitan, tumaas na sa 82 dollar per barrel ang presyo ng langis, ngunit bumaba na rin ito sa 76.50 dollars. 

Pahayag ni Pangulong Marcos, mayroon pang stockpile ng langis ang bansa na kayang tumagal hanggang 50 hanggang 60 araw.

Giit pa ng Pangulo, mayroong mang imbak na langis ang ibang supplier na maaaring pagbilhan ng Pilipinas ng produkto, may posibilidad din aniya na hindi ito mag-export ng maraming supply, depende sa sitwasyon. 

Bilang tugon, plano ng gobyerno na magbigay ng fuel subsidy sa mga maaapektuhang sector, particular ang agriculture sector at transport sector. 

Ngayong Martes, panibagong taas presyo sa produkto ng petrolyo ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis. 

Sa produkto ng gasolina, 1.90 kada litro ang itinaas ng presyo. 

1.20 kada litro sa diesel at 1.50 kada litro sa kerosene ang itinaas.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this