MANILA PHILIPPINES – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang suporta sa liderato ng senado kasunod ng pagkakaupo bilang bagong Senate President ni Senator Chiz Escudero kahapon.
Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communication Office sinabi ng pangulo na ang legislative record ni Escudero at ang kaniyang commitment sa public service ay patunay na isa siyang dedicated leader.
Kasunod nito pinuri ng pangulo si Senator Migz Zubiri na nagsilbing tagapangulo ng senado ng dalawang taon.
Sa kabilang banda kumpyansa si Pangulong Marcos Jr sa liderato ni Escudero na ipagpapatuloy nito ang pagbibigay prayoridad sa mga transformative na mga batas upang makamit ang mga ninanais na pagbabaho para sa bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader,” Sabi ng pangulo sa isang pahayag.
“Senator Chiz steps into this role following the commendable tenure of Senator Migz Zubiri, and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas,” dagdag pa nya.
Samantala aminado si Zubiri na masama ang loob nito kasunod ng kanyang pagbibitiw bilang senate president.
“Medyo masama nga po ang loob ko. Meron pang mga nagte-text sa akin. ‘We’re with you’, ‘Full support po kami’, ‘Kami po ay 100 percent sa ‘yo‘,” ayon kay zubiri.
“Wala pang isang araw, wala na. Ang hirap talagang maging pulitiko,” dagdag nito.