Manila, Philippines – Sa kabila ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umaasa siyang mananatili ang mga Pilipinas, ayon kay sa Malacañang.
Pahayag Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro kaugnay sa impeachment, nais aniyang iparating ni Pangulong Marcos na handa siyang harapin at sagutin ang impeachment laban sa kanya.
Kaakibat aniya nito ang pagtitiwala panguli sa Office of the Ombudsman na gagawin ang kanilang tungkulin.
Bagamat, hindi nagbigay ang pangulo ng komento kaugnay sa panibagong reklamong impeachment na niluluto laban kay Vice President Sara Duterte, iginiit naman ng palasyo na anumang reklamo ang isinampa sa isang opisyal ay kailangang maimbestigahan.
Janaury 19, 2026 nang ihain sa kamara ni Atty. Andre De Jesus ang impeachment complaint laban sa Pangulo, na inendorso ni Pusong Pinoy Rep. Jett Nisay.
At ngayong araw ng Huwebes, inihain ng Alyansang Makabayan ang ikalawang impeachment laban kay Marcos na inendorso ng Koalisyong Makabayan ng Kamara.
Ngunit, hindi aniya ito tinanggap ng Office of the House Secretary General.
Ayon kay Bayan Muna Teddy Casiño, nakakadismaya umano na hindi maaaring tanggapin ng kawani mula Sec. Gen. ang kanilang reklamo dahil wala si Secretary General Cheloy Garafil.
Giit ni Casiño, tungkulin ng naturang opisina na tanggapin ang kanilang reklamo, binigyang diin niya na walang nakasaad sa kautusan na dapat mismong SecGen ang tumanggap nito.
Gayunpaman, umaasa ang grupo na ipapasa ni Garafil ang kanilang reklamo laban sa Pangulo sa opisina ni House Speaker Bojie Dy sa darating na Lunes at siya naman ipapasa ni Dy sa house on Rules para maisama sa order of business ng house.
Hindi rin tinanggap ang ikatlong impeachment, na inihain sa kaparehong araw, ng mga grupo ng mambabatas sa House of Representatives.—Krizza Lopez, Eurotv News