PANIBAGONG ARREST WARRANT VS. ATONG ANG, NA-ISYUHAN NA

Panibagong arrest warrant na naman ang na-isyuhan laban sa gaming tycoon at negosyanteng si Atong Ang.

Ayon sa Department of Justice, kinumpirma ng Branch 29 ng Regional Trial Court ng San Pablo City, Laguna ang paglabas nila ng warrant kaugnay pa rin ng pagkakasangkot ni Ang sa mga nawawalang sabungero.

Matatandaan na ipinagliban ang paghahain ng warrant sa nasabing RTC matapos maghain ng “motion to suspend proceedings” ang kampo ng akusado.

Ito naman ang ikatlong warrant laban sa kaniya, kasunod ng mga nauna mula sa Sta. Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas RTC.

Samantala, dinoble naman ng Department of the Interior and Local Government sa P20 milyong pabuya para sa anumang impormasyong magreresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Patuloy din ang manhunt laban kay Ang sa kabila ng mga ulat na nakalabas na umano siya ng bansa.

Share this