PANUKALANG “EMMAN ATIENZA BILL” LABAN SA ONLINE HATE AT HARRASMENT, INIHAIN NI SEN. JV EJERCITO

Manila, Philippines – Sa paglipas ng panahon, malaki ang nagagawang pagbabago ng social media at iba pang online platforms sa bawat isa, nagagamit ito bilang malayang pagpapahayag ng saloobin at pakikipagpalitan ng mga opinyon na minsan ay malaki ang naitutulong.

Gayunpaman, sa kabila nito hindi maiwasan ang kumakalat din na mga fake news, violence, cyberbullying, at iba pa na nakakasakit at nagdudulot ng seryosong epekto sa kalusugan ng isang tao.

Kaya naman mas pinaigting na panukala ang inihahain ngayon sa senado para bigyan ng proteksyon ang mga magiging biktima nito.

Isinusulong ngayon ni Senate Deputy Majority Leader Jv Ejercito ang Anti-Online Hate and Harassment Act na tatawigin din bilang ‘Emman Atienza Bill’ na naglalayong mas paigtingin ang proteksyon ng vulnerable sectors, kabilang na ang mga kabataan, laban sa lumalalang paglaganap ng cyberbullying, defamation at fake news online.

Sa ilalim ng inihaing panukala, mapaparusahan ang lahat ng mapapatunayang sangkot sa pagpapakalat ng anumang uri ng maling impormasyon online na makakaapekto sa mental at emotional health, social reputation, at self esteem ng isang tao na magdudulot sakaniya ng seryoso at malalang depression at anxiety.

Sakop nito ang lahat ng online hate harassment, at cyberlibel gamit ang kahit anong uri ng digital, information and communications technology (ICT) platform o devices.

Kabilang sa inilalarawan ng batas na labag sa Emman Bill ang pagpapahayag ng galit, karahasan at pagbabanta sa isang tao o grupo, diskriminasyon naman kung kinukutya dito ang health status, edad nito, kapansanan, paniniwala sa pulitika, relihiyon, kultura, economic status, gender o sexual orientation.

Inaatasan din ng panukala ang mga digital platforms na-imonitor, alisin at i-report ang mga kaso ng online abuse na ipinopost online.

Saklaw din nito ang pagbuo ng Victim Support and Protection program na magbibigay ng phychosocial support at legal assistance sa mga magiging biktima na pangungunahan naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Department of Justice (DOJ).

Ang mga nabanggit din na ahensya ang mangangasiwa rin sa mga guilty sa kaso sa ilalim ng batas.

Arresto Mayor o pagkakakulong naman ang kahaharapin ng mga mapapatunayang lumabag sa batas, bukod pa dyan ang multang hindi bababa sa P50,000 hanggang P100,000 sa unang paglabag.

Pagkakakulong din at pagmumulta ng P100,000 hanggang P200,000  sa pangalawang paglabag.

Hindi naman sakop ng mga parusa ang sinumang masasangkot kung ito ay edad 18 pababa, sa halip, sasailalim lamang sila sa counseling at pangaral tungkol sa digital space at iba pang hakbang.

Ipinangalan ni Senator JV Ejercito ang nasabing panukala sa kilalang social media personality na si Emman Atienza na kamakailan lang ay pumanaw, kung saan biktima ito ng online hate. 

Ipinagbigay alam naman ng senador ang Emman Atienza Bill sa mismong pamilya nito na si Kuya Kim Atienza at asawa nitong si Felicia nang personal itong bumisita sa burol ni Emman at iprinesenta ang panukala.

Ang ipinanukalang batas ay suporta na rin sa Républicanismes Act No. 10175 o the Cybercrime Prevension Act 0f 2012.

Batay sa pag-aaral ng Department of Information and Communication Technology (DICT) kabilang ang online libel na defamatory posts at public shaming sa social media bilang isa sa limang nangungunang cyber-related complaints ng publiko sa buong bansa noong 2024.

Share this