Manila, Philippines — Matapos ang kontrobersya sa ipinanukalang naturalization para sa isang Chinese national na sangkot umano sa POGO, tuluyan nang ivi-neto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang panukala.
Sa anunsyong inilabas ng Malacañang nitong Biyernes, kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang naging pag-veto ng pangulo sa House bill 8839 na isinusulong ang paggawad ng Filipino citizenship kay Li Duan Wang.
Noong Enero, inaprubahan ng Senado ang naturang panukala matapos makakuha ng 19-1 na boto.
Si Senadora Risa Hontiveros lamang ang tanging bumoto ng “NO” para sa naturang panukala.
Giit ni Hontiveros, maraming kailangang isaalang-alang ang Kongreso sa pag-apruba ng panukala, lalo at may mga impormasyong naglalantad ng umano’y kaugnayan ni Li sa ilegal na POGO sa bansa.
Bukod dito, ivineto na rin ng Pangulo ang mga panukalang amendments sa bagong Baguio City Charter.