Manila, Philippines – Inaantay na lang ngayon na tuluyang maipasa sa Senado ang panukalang batas na magtatakda sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa Setyembre.
Yan ay matapos maipasa sa ikalawang pagbasa ng House Committee on Appropriation ng Senado ang nasabing panukala na sinang-ayunan din ng mga senador.
Matatandaan na kasama sa inaprubahang 21 priority bills ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong ikalawang linggo ng pebrero ang pagkakapasa ng BARMM Election.
Ngunit bago pa ito, magugunita ring ilang beses nang nakansela ang dapat sanay petsa ng nakatakdang halalan.
Una dapat noong 2022 ngunit sumabay sa pandemya sinundan ng May 2025 na naiurong ng October 2025 hanggang sa March 2026 at ngayon ay isinusulong sa ikalimang pagkakataon na maganap na ito ngayipong September.
Una nang sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi na nila kakayanin ang paghahanda kung ngayong March ito gaganapin kasunod na rin ng ipinasang Redistricting Bill ng Bangsamoro Government.
Sandaling maipasa ang kauna-unahang BARMM Parliamentary election, inirekomenda ni Majority Leader Senator Juan Miguel Zubiri na sponsor din ng batas na sa halip mag-antay pa ng 15 araw bago maipatupad ito, gawin na kaagad na epektibo para mabigyan pa ng sapat na panahon ang COMELEC na mapaghandaan ang halalan.
Sa panig naman ng COMELEC, humihingi sila ng karagdagang P100M pondo sa Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin ng komisyon sa preperasyon, dagdag pag-imprenta ng mga balota, honoraria ng mga guro at information drive sa Mindanao tungkol sa eleksyon.
Bukod pa ang mga gagamitin ding kagamitan sa halalan.
Samantala, oras na maipasa ang BARMM Election sa september, kinakailangan na ng COMELEC ng pinal at kumpletong listahan ng mga kandidato para sa parliamentary district, political parties at sectoral organization na gagamitin sa automataed election upang hindi magahol sa ang komisyon.
Kasama naman sa panukalang batas ang pagsasagawa ng ikalawang parliamentary election sa 2031 kasabay ng local at national election.