Higit sa 30, 000 mga kabataan ang nabigyan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni first lady Liza Araneta-Marcos ng mga maagang regalo bago ang kapaskuhan.
Ang isinagawang aktibidad ay tradisyon sa pamilyang Marcos ng gift giving celebration, kung saan tinawag itong “Balik Sigla, Balik Saya YEAR 3: A Nationwide Gift-Giving Day.”
Kasama rito ang 17 na mga lokal na pamahalaan mula sa Metro Manila, at tatlo naman sa Visayas at Mindanao.
Idinaos ang pagdidiwang na ito, kasama ang mag nasabing lokal na pamahalaan, pati na rin ang 63 mga Department of Social Welfare centers sa buong bansa.
Bawat bata ay nabigyan ng gift set kung saan naglalaman ito ng trolley bag, unan, raincoat, medyas, towels, tumbler, at relo.
Nasa higit 20, 000 mga bata ang nakidalo sa nasabing gift giving activity, samantala nasa 27, 899 naman ang nakilahok via online.
Sa mga inihandog na mga palaro at aktibidad, sinamahan ng pamilya Marcos ang mga bata, katulad na lamang sa inflatables, trackles, train, circus, pabitin, at iba pa.
Sa pagtatapos ng programa, pinasalamatan ni Marcos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pagsisiguro ng masayang kapaskuhan sa kabila ng mga sakuna na nangyayari sa bansa.
Ang gift giving activity na ito ng Office of the President (OP) ay nagsimula noong taong 2022, kasama ang DSWD, mga ampunan, at mga komunidad nationwide.