Manila, Philippines – Mariing tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag ng mga international media na ISIS training hotspot ang Pilipinas.
Ito’y matapos lumabas ang balitang nagmula sa Pilipinas ang mag-amang gunmen sa Bondi beach incident sa Australia.
Kaugnay sa issue na ito, nagpadala ang National Security Council ng pahayag sa palasyo.
Iginiit ng NSC na misleading ang pahayag na ito, gayong walang validated information na nakatanggap ang mag-ama ng training sa Davao, kung saan ang ito ang naging kanilang pinal na destinasyon noong nasa bansa.
Dagdag nila na patuloy ang koordinasyon ng investigating agency ng Pilipinas sa international counterparts para maberipika ang impormasyon na ginamit umano ang Pilipinas bilang terrorist training.
Binalikan ng NSC ang matagumpay na pagbuwag ng tropa ng Pilinas sa mga teroristang ISIS noong 2017 sa Marawi.
Base aniya sa pagsusuri ng United Nation at United States, maliit na lamang ang kapasidad ng ISIS na makapanggulo pa mga bansa.
Apela ng palasyo sa international media na maging mapanuri at responsable sa mga pahayag, lalo’t ang huling pahayag na nito ay lubos na nakakaapekto sa integridad at imahe ng Pilipinas.
Una nang nasabi ng Bureau of Immigration partikular ni Spokesperson Dana Sandoval na ang mag-amang suspek sa pamamaril sa Bondi Beach ay dumating sa Pilipinas noong Nov. 1 mula sa Sydney, Ausralia.
Umalis sila sa Pilipinas noong Nov. 28.
Labing anim na katao ang nasawi sa pamamaril ng dalawang lalaki sa Jewish Hanukkah event sa Bondi beach noong December 14.—Krizza Lopez, Eurotv News