PBBM INATASAN ANG BICOL LGU NA MAGLATAG NG PLANO SA KALAMIDAD

BICOL,PHILIPPINES – Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lokal na pamahalaan sa Rehiyon ng Bicol na suriin ang kanilang mga plano sa paghahanda sa sakuna sa pagpasok ng bansa sa tag-ulan.

Bahagi ng plano sa paghahanda ang paglalagay ng mga pamamaraan sa paglikas at pagkakaroon ng mga pang-emergency suplay, tulad ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang mahahalagang bagay.

“Dito po sa Region V ay maraming bagyo na [ang dumaan] pero dahil sa angking tapang at tatag ninyo, nakababangon kayo ng buong-lakas at buong-puso. Kaya naman inaatasan ko ang lokal na pamahalaan at lahat ng ahensya ng pamahalaan dito sa Region V na suriing muli ang mga plano ninyo inihanda sa tuwing may banta ng sakuna. Siguraduhin na ligtas ang lahat,” Saad ni Marcos.

Noong nakaraang linggo, opisyal na inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan.

Nagbabala rin ito na malaki ang posibilidad na magsimula ang La Niña sa panahon ng Hulyo-Setyembre.

Ayon sa weather bureau, ang La Niña ay magtataas ng posibilidad ng above-normal na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, lalo na sa pagtatapos ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this