TONDO, MANILA – Naglabas ng proklamasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalaan ng bahagi ng lupain sa Tondo, Maynila para sa pagmamay-ari at pagpapaunlad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ang Proclamation No. 610, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hunyo 21, ay inilabas ng Pangulo sa rekomendasyon ng Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang pagpapalabas ay nag-amyenda sa Proclamation No. 96 (s. 2001) sa pamamagitan ng pagbubukod ng isang partikular na bahagi ng lupa, na kinilala bilang Lot 4-A,, na matatagpuan sa Tondo, Manila, na nagpapahintulot sa DHSUD na magkaroon nito at magsagawa ng urban development , “napapailalim sa huling survey sa lupa.”
Ang natukoy na bahagi ng lupa ay may kabuuang sukat ng lupain na 21,872 metro kuwadrado.
Pinahintulutan ng bagong proklamasyon ang Kalihim ng DENR na mag-isyu ng kaukulang Espesyal na Patent na sumasaklaw sa lugar na nakalaan para sa mga proyekto sa pagpapaunlad ng township ng DHSUD.
Lumilikha din ang pagpapalabas ng isang Project Inter-Agency Committee (PIAC) na pamumunuan ng DHSUD, kasama ang DENR at ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila bilang mga miyembro.
Ang PIAC ay nakatalagang bumalangkas at maglabas ng Implementing Rules and Regulations ng proklamasyon at tukuyin ang mga makikinabang sa housing component ng township development.