MANILA, PHILIPPINES – Inanunsyo ni Pangulong Ferdiannd Bongbong Marcos Jr. na sa katapusan ng linggo ay magatatatalaga na ng papalit kay Vice President Sara Duterte bilang Department of Education (DepEd) Secretary.
Ani Marcos ang Deaprtment of Education ay isa sa pinakamahalagang ahensya na dapat pagtuunan at hindi dapat hayaan na walang namumuno.
Kamakailan ay nagbitiw si VP Sara bilang DepEd Secretary at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong nakaraang linggo, na mahalagang umalis sa Gabinete ng administrasyong Marcos.
Sa kanyang liham ng pagbibitiw, sinabi ni Duterte na naghanda siya ng 30-araw na plano para matiyak ang tuluy-tuloy na paglipat ng DepEd.
Ayo pa sa Pangulo na walang ibinigay na dahilan si Duterte para bumaba sa Gabinete.