PBBM NAGBIGAY NG P5M FINANCIAL ASSISTANCE AT MGA MEDICAL EQUIPMENT SA CEBU PROVINCIAL HOSPITAL 

Manila, Philippines – Nagbigay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P5M na financial Assistance sa Cebu Provincial Hospital (CPH) sa Munisipalidad ng Bamban.

Gagamitin ito ng ospital para sa pagpapahusay ng kanilang mga pasilidad para mas maraming mga pasyente ang kanilang maserbisyuhan.

Bukod sa mga ito namahagi rin ang pangulo ng mga medical equipment, gamot at 20 wheelchair na makakatulong sakanilang operasyon.

Nagdagdag din ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCO) P60 worth of medicines. 

Mga x-ray machine at ultrasound machine naman ang ipinamahagi sa CPH branches gaya sa Bogo City, Danao City, Daanbantayan District Hospital, at Juan B. Dosado Memorial Hospital.

Ayon kay CPH-Balamban Chief Dr. Olivia A. Dandan ang mga natanggap na tulong ng kanilang ospital ay malaking bagay lalo’t may mga pasyente pa silang biktima ng malakas na lindol na tumama sakanilang lalawigan noong nakaraang taon. 

Samantala, kasabay naman ng pagbisita ng Pangulo ang pag-iinspeksyon din nito sa programa ng Department of Health (DOH) na zero balance billing.

Share this