PBBM NANAWAGAN SA MGA LGU’S NA MAGHANDA NA SA PAPARATING NA LA NIÑA SA BANSA

Zamboanga City, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa na gumawa ng mga hakbang upang paghandaan ang papalapit na La  Niña.

Ayon sa Pangulo bagamat nararanasan pa rin ngayon ang matinding tag-init, asahan na raw sa mga susunod na araw ang mga pag-ulan.

“Sa mga susunod na buwan naman ay asahan natin ay ang matindi naman na pag ulan, kaya naman po nananawagan ako sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga at sa mga karatig bayan ng buong rehiyon, maging handa po kayo sa lahat ng oras.”saad ni Pangulong Marcos sa pag bisita nito sa Zamboanga City

“Alamin natin ang pangangailangan ng ating mga nasasakupan at gumawa tayo ng mga programa na tiyak na makakatulong sa ating mga kababayan.” dagdag pa nito

Ang panawagan din ng Pangulo ay kasunod ng iniulat ng PAGASA na posible ng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang unang bagyo ng bansa.

Una na rin dito ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa ilang mga opisyal ng pamahalaan upang planuhin ang pagsasaayos ng flood control projects para sa paparating na La Niña.

Pinaplano rin nila ang pag iipon ng tubig ulan para ilagay sa mga sakahan ng mga magsasaka tuwing sasapit naman ang tagtuyot.

Sa ngayon bagamat unti-unti pa lang ang pag-ulan at nangingibabaw pa rin ang labis na init sa bansa.

Nakabantay na rin ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa La Niña watch.

Matatandaan nito lang Huwebes bahagyang binaha ang kahabaan ng Taft Avenue at U.N Avenue sa Maynila kasunod ng pag-ulan na nagdulot ng pag ka stranded ng mga komyuters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this