Manila, Philippines – Kasabay ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng General Appropriation Act (GAA) para sa 2026, nangako siya na ipinagbabawal ang pakikilahok ng mga politiko sa pagmimigay ng tulong pinansyal sa mga Pilipino.
Aniya ng Pangulo, mahigpit na ipapatupad ng kanyang administrasyon ang pakikilahok ng mga politiko sa kahit na anong anyo ng pamamahagi ng tulong sa mga Pilipino.
Ang ilan sa mga pinamimigay ng gobyerno na tulong pinansyal ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), maging ang mga cash grants at pensions para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs).
Binigyang diin pa ng Pangiilo ang dagdag na alokasyon sa ilalim ng Local Government Support Fund na magpapalakas sa mga LGU na makatugon sa pangangailangan, hanapbuhay, at makapagtayo ng ligtas at resilient na komunidad.—Krizza Lopez, Eurotv News