PBBM PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG 71 PCSO AMBULANCE SA CARAGA REGION 

Caraga Region, Philippines – Personal na tinanggap ng mga kinatawan ng bawat LGUs sa Caraga Region ang Patient Transport Vehicles (PTVs), na sya namang tig-iisa nilang ipamamahagi sa kanilang nasasakupang mga munisipalidad at lungsod, kung saan pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang distribusyon nito na ginanap sa Butuan City.

May kabuuang 71 mga PTV’s ang tinurn-over sa rehiyon. 

Sa kasalukuyan ayon sa Pangulo umabot na sa 76% ang mga LGUs sa buong bansa ang nakatanggap na ng at least tig-iisa nilang ambulansya na idaragdag ng mga ito para sa pagpapabuti ng kanilang healthcare system.

Binigyang diin ng mga LGUs na benepisyaryo nito na napapanahon ang pamamahagi ng ambulansaya sa kanilang rehiyon lalo na sa ga nagdaang kalamidad.

Sa pamamagitan din daw ng mga PTVs na ito, mas madali nang makakaresponde ang bawat Lokal na pamahalaan sa rehiyon ng hindi na sila naghihiraman o nag-aantayan lalo na sa panahon ng sakuna.

Samanta ang ipinamahaging mga ambulansya ay partikula na mapupunta sa Agusan del Norte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Probinsya ng Dinagat Islands, Davao de Oro, Davao Oriental, Butuan City at Bonifacio, Misamis Occidental.

Malapit naman na daw na maabot ng PCSO ngayong taon ang target na 100% kung saan lahat ng lungsod at munsipalidad sa buong bansa ay mayroon ng tig-iisang ambulansya.

Share this