Manila, Philippines – Personal na inspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang estado ng San Juanico Bride sa Barangay Cabalawan, Tacloban City matapos itong isailalim sa rebahabilitasyon ilang buwan na ang nakalilipas mula ngayon.
Mula sa dating 3 metric tons limit dahil sa structural issues noong May, puwede na ngayong dumaan ang mga sasakyan na may bigat na hanggang 15 metric tons.
Ayon sa pangulo, target ng pamahalaan ang full restoration ng tulay para sa two-way na kayang magdala ng 33- metric tons capacity pagsapit ng third quarter ng 2026.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng tamang pagpapanatili ng maintenance ng vital infrastructure nito upang maiwasan ang socio-economic disruption na nakaapekto sa komunidad.
Umaasa ang pangulo na maging lesson daw sana ito sa mga magdadaan pang administrasyon upang ang budget at panahon ng ahensya at mailan pa sa iba pang mga proyekto.
Inanunsyo naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpleto ng portal shoring works ng tulay na nagbibigay ng pansamantalang suporta sa istraktura nito upang ang retrofitting nito ay magtuloy-tuloy.
Dagdag pa ng ahensya na pinapayagan na rin ang two-way traffic sa ilalim ng controlled 15-ton load limit lamang, pinahihintulutan na rin ang pagdaan ng mga motorista habang ipinatutupad ang rehabilitasyon nito.
Pinag-aaralan na rin ng ahensya ang one-way sa tulay tuwing gabi upang makadaaan naman ang mga cargo truck, sa pamamagitan nito mapapababa daw ang presyo ng goods sa bansa.
Samantala, matapos bisitahin ng Chief Executive noong June ang San Juanico Bridge at Amandayehan Port sa Basey, Samar upang pangasiwaan ang mga emergency na pagsasara ng tulay, inatasan ng Pangulo ang DPWH na taasan ang load limit sa 12 metric tons bago matapos ang December.
Iniutos rin nito ang pagpapabilis ng rehabilitation timeline nito upang ang transportasyon at kalakalan sa buong Eastern Visayas ay matugunan.
Ang taunang budget ng DPWH para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) ay sakop ng regular na pagpapanatili ng San Juanico Bridge at iba pang mahahalagang imprastraktura nito.
Ang San Juanico Bride ay may habang 2.16-kilometer na nag-uugnay sa Samar at Leyte.
Itinayo noong 1969 at binuksan noong July 1973, ang 2.15 kilometer San Juanico Bridge, nananatiling critical lifeline ng Eastern Visayas, nagsisilbing mahalagang papel para sa dalawang probinsya.—Grachella Corazon, Eurotv News