PBBM, VP SARA, NAKIISA SA SELEBRASYON NG KAPISTAHAN NG JESUS NAZARENO 

Manila, Philippines – Sa selebrasyon ng kapistahan ng poong Jesus Nazareno, nagbigay ng mensahe ang Pangulo at Bise presidente ng Pilipinas. 

Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pananampalataya ng mga Pilipino sa paggunita ng kapistahan ng Jesus Nazareno. 

Hiniling ng pangulo ang ligtas, taimtim at makahulugang selebrasyon. 

Sa kanyang mensahe para sa mga deboto, nawa ang debosyon ng mga Pilipino ang magsilbing daan sa kanilang pag-iisip, gawi, at pagtulong sa bawat isa. 

Dasal din ni Pangulong Marcos na sa pagdiriwang ng sakripisyo ng poong Nazareno ay mas mapagtibay ang salo-salong pangako na pagtulungan ang pasanin ng bawat isa, pantay na oportunidad para sa lahat, at maipagtuloy ang buhay na pag-asa sa pagbuo ng mas makatao, at tapat na bagong Pilipinas. 

Samantala, sa pahayag ni Vice President Sara Duterte, binigyang diin niya ang matibay na pananampalataya ng mga Pilipino. 

Aniya ang debosyon ng mga Pilipino sa Nazareno ay isang pagpapaalala ng walang kapantay na pag-ibig, sakripisyo at pagpapakumbaba ni Hesus para sa sangkatauhan. 

Mensahe pa ng bise na nawa magsilbing inspirasyon ang Nazareno para isabuhay ang turo at plano ng Panginoon.

Share this