PCG, NAGPADALA NG BARKO AT AIRCRAFT PARA TUMUGON SA HARASSMENT NG CHINA SA BDM

Manila, Philippines – Kasunod ng report ng pang ha-harass ng Chinese Coast Guard vessels and the Chinese Maritime Militia sa mga mangingisdang Pinoy nitong Martes, March 17, 2026. 

Kaagad na nag deploy ang Philippine Coast Guard sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng surface vessels sa Bajo De Masinloc (BDM). 

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, kaagad ipinadala ang mga surface vessels para tiyakin ang kaligtasan ng mga pilipino sa karagatan at maghatid ng suporta kabilang na ang fuel subsidies, ice, at food packs. 

Dokumentado ng mga mangingisdang pinoy ang ginawang dangerous ma maneuvers ng CCG  vessels 21605, 3107 at 3103 gayundin ang Chinese Maritime Militia vessels.

Makailang ulit rin umanong gumamit ng siren ang China gayundin ang pag deploy nila ng RHIB para itaboy ang mga mangingisdang Pinoy sa BDM.

Nagpadala rin ng air asset ang PCG para magsagawa ng Maritime Domain Awareness flight sa BDM at kinumpirma ang presenya ng Chinese vessels sa karagatan.

Sa MDA makailang ulit rin nag radio challenge ang PCG kaugnay sa iligal na presensya ng CCG and PLAN vessels sa ating mga karagatan. 

Sa kauna unahang pagkakataon rin sabi ni Tarriela chinallenge ng People’s Liberation Army Air Force asset  ang PCG aircraft. 

Sa kabila nito muling iginiit ng PCG ang mandato nito na panatilihing ligtas ang mga mangingisdang pinoy alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Share this