PH DEATH ROW CON MJ VELOSO, BALIK-PILIPINAS NA

Manila, Philippines – Nakabalik na ng bansa ang Filipino death row convict na si Mary Jane Veloso ngayong araw (Disyembre 18, 2024) matapos ang matagumpay na repatriation agreement sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas.

Sa ganap na ika-5:50 ng umaga, matagumpay na nakatapak si Veloso sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kasama ang kustodiya ng ating bansa.

Naghintay naman sa labas ng airport ang pamilya, kabilang ang kanyang mga magulang at anak, at mga taga-suporta dala dala ang banner na may nakasulat na, “Welcome home, Mary Jane!”

Samantala, agaran naman na idiniretso si Veloso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City. Nakarating ang convoy nito dakong alas-7:06 am kung saan kasalukuyan muna siyang i-di-ditene sa loob ng pasilidad.

Magkahalong saya at luha naman ang naganap nang tuluyang maka-daumpalad ni Veloso ang kanyang pamilya.

Patuloy naman ang panawagan ng Migrante International at ng mga progresibong grupo sa kanilang hiling na absolute clemency kay Veloso sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mahigit 14 taon nakabilanggo si Veloso sa Indonesia dahil sa kaso ng umano’y drug trafficking.

Share this