PH, JAPAN AT US ITINUTULAK ANG MARITIME EXERCISES

MANILA PHILIPPINES – Muling iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG), Japan Coast Guard (JCG), at U.S. Coast Guard (USCG) ang kanilang layunin na magkaroon ng regular maritime exercises para sa mapanatiling malaya at ligtas na West Philippine Sea.

Ito’y para ipakita ng tatlog bansa ang kanilang mga commitment bilang magkaka alyado.

Ginawa ang pahayag na ito sa isinagawang 21st Shangri-La Dialogue defense summit na ginanap sa Singapore.

Ayon sa PCG kabilang ang ang US at Japan Coast Guard sa unang nagpatibay ng kanilang pagtalima sa pagpapanatili sa regional waters ng ligtas mula sa pagharap sa umiigting na pagiging agresibo ng China sa halos buong disputed waters.

Inirekomenda ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan sa JCG at USCG na pag isipan pa ang mga hakbang para matugunan ang papalapit na posibleng banta sa mga karagatan partikular na ang papalapit na arrest policy ng china sa mga manghihimasok sa inaangking teritoryo.

The PCG intends to send ships further out, in coordination with other agencies, to better secure our Filipino fishermen,” sabi ni CG Admiral Gavan.

“I’d like to propose greater deployment in the high seas. We will do our part, but we also need you to be there to maintain rules-based order the way Coast Guards should play their role,” dagdag pa nito.

Bilang tugon naman ng JCG iminungkahi nito ang pagsasagawa ng mas maraming palitan ng tauhan para lumikha ng isang matatag na network counterpart sa Coast Guard pagdating sa pagpapatupad ng batas sa dagat at tuntunin ng batas.

Habang ibinahagi naman ng USCG ang kanilang North Pacific Coast Guard upang suportahan ang PCG sa pagtataguyod ng mga karapatan nito sa soberanya sa WPS.

Nagkasundo rin ang tatlong bansa para sa pagpapatuloy ng capacity-building initiatives upang palakasin ang kanilang people-to-people relationship.

Rest assured that the PCG is doing its share in the alliance we nurture. We are grateful for the new opportunities to further strengthen our ranks and fulfill our roles in the most unique way to
address current challenges. Thank you, JCG and USCG, for being reliable partners of the PCG
,” ani Gavan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this