PH, NAGHAIN NG DIMPLOMATIKONG PROTESTA LABAN SA ‘AIR FORCE ACTION’ NG CHINA

Manila Philippines — Naghain na ng diplomatikong protesta ang gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa panunukso at delikadong aksyon na ginawa ng People’s Liberation Army Air Force (PLAAF) ng China sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghain ng protesta ang Pilipinas kaugnya sa insidente.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nangyari ang delikadong pagmamaneobra ng Chinese Air Force at nagpakawala ng flares kasabay ng kasagsagan ng Maritime Patrol ng Militar sa Bajo de Masinloc o mas kilala ring Scarborough Shoal.

Muli namang iginiit ng DFA na walang kaugnayan ang kasalukuyang provisional understanding dahil saklaw lang daw nito ang Rotational Resupply (RORE) mission ng Pilipinas sa Ayunging Shoal.

“I was informed a diplomatic protest will be sent within the day. On the question about the effect of the incident on the provisional understanding , please note the provisional understanding applies only to RORE missions in Ayungin Shoal,’ sabi ni DFA Spokesperson Tess Daza.

Gayunpaman, mananatili raw ang Pilipinas sa pagpapanatili ng diplomasya sa pagresolba ng mga isyu.

Kasabay ng pag-adopt sa pagpapanatili na hindi tumataas ang tensyon sa West Philippine Sea.

“But the Philippines adopts a de-escalatory approach to tensions in the WPS .  It remains committed to diplomacy and peaceful means of resolving disputes,” sabi pa ni Daza.

Kinonenda rin ng National Task Force for the West Philippine Sea (NT WPS) ang pagiging iresponsable, pagiging unprofessional, ilegal at delikadong aksyon ng mga Chinese Air Force.

Nananawagan ang Task Force sa People’s Republic of China na tigilan na na ng lahat ng panunukso at delikadong aksyon na maaaring maglagay ng panganib sa mga sundalong Pinoy at mga sibilyan.

“…we call on the government of the People’s Republic of China (PRC) to cease all forms of provocative and hazardous acts that could undermine the safety of Filipino military and civilian personnel in the waters or in the skies, destabilize regional peace, and erode the trust and confidence of the international community in the PRC,” giit ng NTF WPS sa isang pahayag.

Una nang naglabas ng pahayag ang Palasyo ng Malakanyang dahil sa air incident sa Bajo de Masinloc.

Mariin umanong kinondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang insidente, at tumindig sa katapangan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, partikular na sa Philippine Air Force (PAF).

Hindi raw makatwitran, ilegal at mapanganib ang gingawang aksyon ng China higit lalong kasabay ito ng maritime security operation ng Pilipinas sa soberyanya ng himpapawid.

Mananatili raw ang Pilipinas sa pagsunod sa tamang diplomasya at mapayapang paraan sa pagsresolba ng sighalot, pero hinihikayat din ng Pangulo ang China na ipakita ang pagiging responsable sa parehong karagatan at sa himpapawid.

Sinusubukan pa namin kunan ng panig ang China pero wala pang inilalabas na pahayag ang Chinese Embassy kaugnay sa insidente.

Share this