Manila Philippines — Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na mananatili ito sa pagtataguyod ng karapatan at hurisdiksyon sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila nang pagiging agresibo ng mga barko ng China.
Sa isang press briefging inihayag ni bagong talagang National Maritime Council (NMC) spokesperson Vice Admiral Alexander Lopez na magpapatuloy din ang Pilipinas sa nakasanayang maritime activities upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa sa kabila ng August 19 collision insident sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard sa bahagi ng Escoda Shoal.
“The Philippines expresses serious concern over the deliberate harassment and infringement by China against Philippines’ sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea. The Philippines will continue to uphold its rights and jurisdiction in the West Philippine Sea, sustain our routine maritime activities, and protect its territory and maritime zones from environmental degradation and other illegal activities,” ani Lopez.
Tinawag din na unprofessional, delikado at paglabag sa international law partikular na sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGs) ang ginawa ng mga barko ng China.
Layon umano ng National Maritime Council ang maipakita ang policy level, sa teritoryo ng bansa na nakabase rin sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea.
Sabi pa ng opisyal na pag-aaralan daw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China.
Nagatamo ng mga sira ang dalawang barko ng PCG na BRP Bagacay at BRP Cape Engaño dahil sa kolisyon habang nagsasagawa ng Rotational Resupply Mission sa Escoda Shoal.
Masusing pinag-aaralan ng DFA ang insidente kasabay nang nararapat na paghahain ng note verbale laban sa gobyerno ng China.