PH PINURI ANG UN ADOPTION SA TIGIL PUTUKAN, PAGPAPALAYA NG MGA HOSTAGE SA GAZA

Manila Philippines — Nagpahayag ng papuri ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-adopt ng United Nations (UN) Security Council sa resolution na nagnanais ng tigil-putukan at pagpapalaya sa mga hostages sa Gaza.

Ayon sa DFA ang resolusyon na muling nagpapatibay sa hangarin ng international community upang mapanatili ang kapayapaan at stabilidad sa rehiyon.

“The Philippines commends the collaborative efforts of Member States of the UN Security Council in crafting Resolution S/RES/2735, which underscores the urgent need to address the escalating crisis in Gaza. The resolution reaffirms the international community’s commitment to upholding peace and stability in the region,” ayon sa isang pahayag ng DFA.

Muli naman iginiit ng Pilipinas ang panawagan para sa agarang tigil putukan at tuluyan nang pagpapalaya sa mga bihag ng grupong Hamas.

Kabilang na rito ang pagpapatuloy sa mga humanitarian aid para sa mga taong nananatili sa Gaza.

BASAHIN: ARMAS, BALA NA NAGKAKAHALAGA NG $1-BILLION, ISUSUPLAY NG AMERIKA SA ISRAEL

Malaking tulong umano para sa DFA ang pagpapatupad ng resolusyon upang maibsan ang pagdurusa ng mga inosenteng sibilyan na nadadawit ng sighalot sa pagitan ng Palestine at ng Israel.

“The prompt implementation of the measures is imperative to alleviate the suffering of innocent civilians caught in the crossfire,” sabi pa ng DFA.

Sabi pa ng DFA patuloy na titindig ang Pilipinas sa pagpapanatili ng stabilidad, seguridad at kapayapaan sa rehiyon.

Nagsimulang atakihin ng Grupong Hamas ang Israel, Oktubre noong nakaraang taon.

Pumalo na sa mahigit 37,400 na Palestino ang nasawi mula noong inatake ng Israel ang Gaza, habang mahigit 1,000 Israeli naman ang nasawi.

BASAHIN: PH COMMENDS UN ADOPTION OF RESOLUTION FOR CEASEFIRE, RELEASE OF HOSTAGES IN GAZA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this