Manila Philippines — Nais paimbestigahan ng mambabatas ang napagkasunduang Civil Nuclear Cooperation Agreement (or “123 Agreement”) sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) Partylist Representative France Castro nais daw nilang paimbestigahan ang mabilis na naging negosasyon sa kasaysayan mga kasunduan.
“The newly signed civil nuclear cooperation deal between the US and the Philippines was the fastest negotiated in the history of such agreements because of the extremely unequal status of the two countries; one is the neo-colonizer while the other is the neo-colony,” sabi ni Castro sa isang pahayag.
Hinihikayat din ng mambabatas ang mga lider ng Kamara na muling talakayin ang House Resolution 582, na naglalayong imbestigahan ang naturang ‘123 Agreement’.
Ikinababahala ng mambabatas ang posibleng maging epekto ng pag-aaral sa mga nuclear plant sa bansa hindi sa publiko kundi maging sa kalikasan.
Dapat daw tutulan ang modular nuclear plant na may delikadong banta sa Pilipinas.
“Dapat talagang tutulan ang modular nuclear plants na ito dahil napakadelikado sa ating bansa. We must prioritize the safety of our people and the protection of our environment over any perceived benefits from this questionable nuclear deal,” ayon pa sa mambabatas.
Sa isang pahayag na inilabas ng US State Department, July 2 pa umano noong nagkasundo ang Washington at ang Manila sa Agreement for Cooperation in Peaceful Uses of Nuclear Energy (or “123 Agreement”).
Layon umano ng kasunduang ito na pagandahin ang kooperasyon sa enerhiya, at mapalakas ang matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Amerika, gayundin sa sektor ng ekonomiya.
“On July 2, the United States and Philippines’ Agreement for Cooperation in Peaceful Uses of Nuclear Energy (or “123 Agreement”) entered into force. The Agreement will enhance our cooperation on clean energy and energy security and strengthen our long-term bilateral diplomatic and economic relationships,” sabi ng US State Department sa isang pahayag.
Sabi pa ng Washington, sa ilalim ng kasunduang ito magkakaroong balangkas para sa pag-eexport ng mga materyales, kagamitan, at bahagi ng nuclear plant mula sa Amerika patungo sa isang bansa.
Pinahihintulutan din ng Civil nuclear cooperation agreement ang paglilipat ng mga impormasyon patungkol sa nuclear research, at civil nuclear energy production.
Inaasahang nasa 40 mga kompanya mula sa mga kaalyadong bansa ang makikibahagi sa pagpapaunlad sa nuclear energy sa Pilipinas.
Nobyembre noong nakaraang taon nang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng US ang 123 Agreement kasabay ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leader’s meeting na ginanap sa Los Angeles, California.