Nagpaalala sa publiko ang Philippine Heart Association (PHA) ngayong Philippine Heart Month na umiwas sa fake advice at mga fake news online na napapanood, nababasa at naririnig tungkol sa kung paano gamutin ang iba’t ibang uri ng sakit sa puso.
Ayon sa PHA mayroon pa ring mga pasyente ang nag se-self meidication, nakikinig sakanilang mga kapitbahay, kapamilya, kaibigan at madalas pa nga raw ay sa mga napapanood online sa halip na kumonsulta sa mga doktor at eksperto.
Dahil daw dito nauudlot ang dapat sana’y tuloy tuloy na gamutan sa sakit sa puso kaya’t imbis na gumaling ay mas lumalala pa ang kondisyon sanhi ng maling akala.
Sa kabila nito, pinagtitibay naman ng PHA ang kanilang kampanya kontra maling mga impormasyon.
Patuloy din daw ang kanilang pagsasagawa ng mga lecture, symposium at information drive.
Sinabi rin ng PHA na hindi dapat nakabase sa maling paniniwala at impluwensya ng social media ang kalusugan ng bawat indibidwal maliban kung awtorisado at lehitimo ang isang cardiologist.
Magugunitang sinabi ng DOH na nagunguna pa ring dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino sa nakalipas na limang taon ay dahil sa sakit sa puso.