PHILHEALTH GAMOT INILUNSAD; 75 URI NG GAMOT LIBRENG MAKUKUHA SA ILALIM NG PROGRAMA

Manila, Philippines – Mas marami na ngayong gamot ang makukuha ng libre ng mga Philhealth members sa ilalim ng mas pinalawak na Philhealth GAMOT o Guaranteed and Accessible Medication for Outpatient Treatment na saklaw pa rin ng Yaman ng Kalusugan o Yakap Program ng ahensya.

Sa opisyal na paglulunsad, 75 klase ng gamot para sa pangkarinawang mga sakit ang kasama dito kabilang na ang sa impeksyon o anti-microbial medicines, gamot sa asthma at Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), diabetes, high cholesterol, high blood pressure at heart conditions.

Kasama rin dito ang mga gamot sa nervous system disorders, at iba pang supportive therapies.

Papasok ang libreng gamot sa P20,000 credit line kada taon na ibinibigay sa bawat miyembro ng Philhealth na nakarehistro sa PhilHealth YAKAP Clinic, kada miyembro ng pamilya maaaring maka-avail nito.  

Paalala naman ng Philhealth, bago makakuha ng libreng gamot alinman sa 75 nasa listahan, dapat pumunta muna sa accredited partners clinic ng ahensya para magpa-reseta na may Unique Prescription Security Code (UPSC) kung kinakailangan.

Pagkatapos nyan maaari ng maka-avail ng anumang uri ng gamot sa accredited GAMOT facilities na partner ng DOH at Philhealth kung saan kailangan nilang mag presenta ng  government-issued ID Card.

Accredited GAMOT facilities:

1. Vidacure with branches in Muntinlupa City and Quezon City

2. Pharma Gen Ventures Corp (Generika Drugstore) with branches in Parañaque City, Navotas City, Quezon City and Taguig City

3. CGD Medical Depot Inc. at Vertis North

4. Chinese General Hospital

Matatandaan na 2023 pa nang unang nailunsad ang Philhealth GAMOT sa bansa, ngunit naipakilala lamang ito sa mga piling probinsya.

Tuloy tuloy naman daw ang pakikipag-ugnayan ng Philhealth sa iba pang mga drugstore sa buong National Capital Region (NCR) para mas marami pa ang kanilang maging katuwang sa pagbibigay ng libeng gamot.

Share this