Manila, Philippines – Mas pinalawig pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHEalth) ang magiging sakop ng Primary care benefit package ng kanilang mga miyembro.
Sa ilalim ng pinakabagong Yaman Kalusugan programa ng PhilHealth o YAKAP na mas kilala dati bilang Konsultasyong Sulit at Tama mas marami na ngayong gamot ang sakop ng ahensya.
Ayon kay Dr. Edwin Mercado, Philhealth Acting President at Chief Executive Officer, mula sa dating 21 gamot at 15 lab test, 75 gamot na ang coverde ng Philhealth.
Sakop din ng naturang programa ang pagdaragdag ng mga lab test sa mga primary care unit para sa cancer gaya mamography, at colonoscope.
Kasama rin dito ang testing sa liver, prostate, ovarian at lung cancer.
Binigyang diin naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dumalo rin sa paglulunsad ng Yakap na malaki ang maitutulong ng naturang programa lalo na’t kasama na dito ang mga primary care unit na kadalasang naaabot lang ng mga Pilipinong malayo sa malalaking ospital.
Sa mas pinalawak din daw na sakop ng Philhealth, mababawasan ang naitatalang mortality rate sa bansa dahil maaari na silang makapagpagamot sakanilang lugar ng hindi na pumupunta pa sa Regional, Provincial at, tertiary care hospital,
Nilalayon daw ng programa na mabigyan kaagad ng lunas ang mga Pilipinong nagkakasakit, ilapit ang serbisyong medikal habang inilalayo naman ang publiko sa sakit.
Kasabay ng YAKAP maglulunsad din ang ahensya ng isang app kung saan maaari nang ma-avail dito ang prescription ng gamot na hinahanap saan mga Pharmacist sa buong bansa na accredited ng Philhealth.
Nakatakda rin daw maglalaan ng 20,000 credit line ang Philhealth sa kada pilipinong may sakit o biglaang magkakaroon ng ubo, sipon, at Pneumonia upang maagapan kaagad ito at hindi na lumala pa.
Hinikayat naman ng Philhealth ang lahat ng mga Pilipino na magparehistro sa YAKAP para makatanggap ng mga nabanggit na serbisyo ng programa.
Samantala, bukod sa Pangulo kasama rin sa mga dumalo sa paglulunsad ng YAKAP sina Health Secretary Ted Herbosa, Labor Secretary Bienvenido Laguesma at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.