Manila, Philippines – Napuna ng Commission on Audit (COA) sa Annual Audit Report 2024 nito ang bagong 13 unit ng laptop ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng PHP3.9 million pesos.
Ibig sabihin, ang kada isang unit ng laptop ay nagkakahalaga ng 301,230 pesos.
Ngunit nilinaw agad ng OVP na nagkaroon ng pagkakamali ang staff sa pag-eencode ng impormasyon.
At sinabing ang tatlong milyong halaga ay binubuo ng labing dalawang photocopying machine at isang unit ng desktop computer.
Ang mga kagamitan aniya na ito ay pawang donated ng isang donor sa OVP.
Labing dalawang photocopier machine ay nagkakahalaga ng 3.824 million pesos, ayon sa donor.
Habang 92,000 ang halaga ng isang unit ng desktop computer na ginagamit sa OVP bilang pang video-edit.
Ayon sa OVP, nakapagsumite ang tanggapan ng detailed transaction at journal voucher sa COA, ngunit nagkaroon ng pagkakamali ang staff na inilathala nito sa summary na binigay sa audit, ngunit tila hindi ito pinaniniwalaan ng progresibong grupo.
Ayon kay Kabataan partylist Representative Renee Co, hindi kapani-paniwala ang naging palusot umano ng OVP na ililista ng staff ang photocopier bilang laptop, lalo na sa audit: “Staff error ba or blatant corruption? Hindi kapani-paniwala na may taong maglilista ng photocopier bilang laptop, lalo na at audit report ito.”
Iginiit diin niya na hindi anti-corruption champion si Vice President Sara Duterte at pinaratangan ang pamilya duterte bilang korap na dinastiya.
“Make no mistake: the previously impeached VP Sara Duterte is not an anti-corruption champion. Hindi siya puwedeng magkunwari na malinis dahil ang buong pamilya nila ay isa sa mga corrupt na dinastiya,” ani Co.
Hinamon niya ang bise presidente na hikayatin ang kapatid nitong si Congressman na si Paolo “Pulong” Duterte na dumalo sa imbestigasyon.
Samantala, naglabas ng pahayag ang OVP kaugnay sa naging komento kaugnay sa audit.
Napag-usapan na sa exit conference kasama ang OVP Management Officials noong May 16, 2025 mahahalagang obserbasyon ng audit at maging ang rekomendasyon nito.
Resulta nito ay nakatanggap ang OVP ng unmodofied opinonn sa financial statement ng tanggapan noong December 31, 2024
Matatandaan na naharap ang bise presidente sa impeachment case noong 2024 at na-archive ang kaso ngayong 2025 sa ilalim ng 20th Congress.
Ang impeachment case ay reklamo dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds.—Krizza Lopez, Eurotv News