PILIPINAS AT INDIA NAGSAGAWA NG UNANG ARMY STAFF TALKS

Manila, Philippines – Pormal na inilunsad ang unang Army Staff Talks sa pagitan ng Pilipinas at India.

Ayon sa Philippine Army, isinagawa ang 1st Philippine Army–Indian Army Staff Talks sa Fort Bonifacio, Taguig City noong March 26, 2026.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng depensa.

Inaasahang magiging taunang aktibidad ang pagpupulong kung saan tatalakayin ang mga short at medium-term military engagements hanggang 2027.

Binigyang-diin ng Philippine Army ang kahalagahan ng international partnerships sa pagpapalakas ng kakayahan ng hukbong sandatahan.

Dagdag pa ng ahensya, bahagi ito ng kanilang layunin na mapalago ang institutional development at collaborative efforts sa ibang bansa.—Carlos Concha, Contributor

Share this