PILIPINAS, MALAYO SA PANGANIB NG BAGONG VARIANT NG COVID-19

MANILA, PHILIPPINES – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi dapat ipangamba ng publiko ang mga naitatalang bagong variant ng Covid-19 na KP.2 at KP.3.

Yan ay matapos maiulat kamakailan ng World Health Organization (WHO) na may mga bagong variant ng Covid-19 na binabantayan.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang mga bagong variant na binabantayan ng Kagawaran ay hindi pa banta sa kalusugan ng publiko.

Kaya naman ang paghihigpit sa border control at mandatoryong pasgususot ng facemask ay hindi daw nila inirerekomenda pa sa ngayon.

Kahit pa nakitaan ng pagtaas ng Covid-19 sa Singapore dahil sa mga naturang variant.

“No requirment for border control, No requirment for mandatory mask, No requirment for additional vaccination, but we are monitoring the cases.” Sabi ni Health Secretary Ted Herbosa ng DOH.

“But i will not recommend any border control, it means banning travel or whatever to Singapore or to India the caution is precaution mo, yo must be vaccinated” dagdag pa ni Herbosa.

Kasalukuyan din daw nakasailalim sa Variant Under Monitoring (VUM) ang mga bagong strain ng Covid na nangangahulugang malayo para maging public health concern.

“Although the variant isn’t serious thats ehy its only classifies as Variant Under Monitoring diba minsan Variant of Concern then talagan dini-declare nilang public health emergency of International” sabi pa ng kalihim.

Sa hiwalay naman na panayam sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na ang mga bakunang naiturok na ay wala na raw proteksyon mula mga bagong naglalabasan na variant ng sakit.

Ngunit gaya ng sinabi ng DOH tiniyak din nitong karaniwang update lang ang mga naturang variant na kalaunan aniyay mawawala din daw.

“Because of the mutations itong mga bagong variant hindi na tayo protektado doon sa unang mga bakuna nating nakukuha and in fact mga mya reformulated vaccine na mga updated COVID vaccine ng hindi pa available pa dito sa Pilipinas.” Ayon kay Solante.

Gayunpaman nananatili pa rin daw na banta sa kalusugan ang Covid-19 lalo na sa mga vulnerable population na mahina ang immune response kaya naman patuloy ang paalala sakanila na maging mapagmatyag sa mga nararamdamang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this